Kahit comedy ang "Mission Unstopabol: The Don Identity," isang seryosong Maine Mendoza raw ang mapapanood sa nabanggit na pelikulang mapapanood sa darating na Metro Manila Film Festival.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, inamin ni Maine na hanggang ngayon ay starstruck pa rin siya kay Vic Sotto na kasama niya sa pelikula.

"Kahit sa 'Daddy's Gurl' na pumapasok ako or kahit sa [Eat] 'Bulaga,' hindi ko pa rin po siya mabati nu'ng kaswal. Kasi feeling ko, kasi, Vic Sotto, Bossing. Pero sobrang bait naman po niya sa akin," ayon kay Maine.

Na-enjoy din daw niya ang karakter niya sa "Mission Unstapabol " dahil kahit comedy ang pelikula ay seryoso ang kaniyang role bilang si "Donna Cruise" at "Claire."

"Na-enjoy ko siya in a sense na hindi po kasi siya 'yung normal na ginagawa ko. Kasi dito, hindi talaga ko nag-comedy at all, kahit one percent sa movie. So sobrang serious, oo, as in serious," masaya niyang sabi.

Napag-usapan din kung sumasagi na ba sa isip niya na mag-asawa na, at ano ang tamang edad sa kaniya para magpakasal.

"Mahirap kasi kaming magkakapatid sunod-sunod eh. So after nu'ng sister ko, 'yung kuya ko muna, tapos 'yung isa pa ulit ate, so ako. So feeling ko mga 28," ayon kay Maine na 24-anyos pa lang ngayon. 

"Tama lang kasi marrying age ko 28," dagdag niya.--FRJ, GMA News