Ipinasilip ang iba pang programa sa GMA-7 na aabangan ngayong 2020. Kabilang na rito ang pinananabikang pagbabalik ng Japanese anime series “Voltes V.”

Sa teaser, wikang Filipino ang ginamit sa astig na anime series na pinamagatang “Voltes V Legacy.”  Ipinakita sa video ang headquarters ng Voltes V na Camp Big Falcon, at ang hitsura ng Voltes V.


Ipinakita rin ang iba pang GMA series at programs na pangungunahan ng mga bigating Kapuso stars tulad nina Nora Aunor, Alden Richards, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at ang balik-tambalan nina Derek Ramsey at Andrea Torres, at marami pang iba. Panoorin.


--FRJ, GMA News