Naging record-breaking para sa Kapuso afternoon series na "Prima Donnas" ang kanilang DNA test results episode noong Enero 8, at tinalo ang katapat na programa.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nagtala ang naturang episode ng pinakamataas nitong 10.1 percent, ayon sa NUTAM People Rating ng Nielsen Philippines.

Mataas mataas ito sa 6.8 percent sa kalabang programa. Nag-trending worldwide kamakailan ang #PDOfficialResults, kung saan binasa na ang resulta ng DNA test nina Donna Marie, Donna Belle at Donna Lyn.

 

Lumitaw sa naturang DNA test na isa sa tatlong magkakapatid ang hindi ka-match ng kanilang ama na si Jaime, na ginagampanan ni Wendell Ramos.

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News