Binisita ni "Queen of All Media" Kris Aquino ang "Wowowin" studio para ihayag ang kaniyang pagsuporta sa pagtulong ni Willie Revillame sa mga nasalanta dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.
"[I]t was our family of 3’s pleasure to have found a gift for the man who has everything money can buy- a chance to support his birthday outreach for those suffering loss of homes & livelihood because of Taal’s eruption," saad ni Kris sa kaniyang Instagram.
Kasabay nito, inilahad din ni Kris ang kaniyang pagbati para sa Wowowin host.
"The best FRIENDSHIPS are the ones you never expected, never even imagined, yet the effort you give to each other feels light because it’s sincerely reciprocal.
Happy Birthday, Willie. May God continue to bless you so you may continue blessing many more lives with your generous heart."
Dinalaw ni Kris ang "Wowowin" studio isang araw bago ang live telecast nito.
Sinabi naman ni Kris na hindi nakapunta ang anak niyang si Josh dahil sa sakit.
Present din ang Kapuso stars para tumulong sa pagre-repack ng mga donasyon para sa mga nabiktima ng Bulkang Taal.
Samantala, inihayag din ni Gab Valenciano ang kaniyang tuwa nang idirek na niya ang kaniyang first big episode bilang direktor ng Wowowin.
Pinasalamatan niya si Kuya Wil sa pagtitiwala sa kaniyang mga kakayahan at pag-inspire sa kaniya na i-exceed pa ang kaniyang imahinasyon.
--FRJ, GMA News
