Itinuturing memorable ni Rhian Ramos ang kaniyang bakasyon sa Panglao, Bohol lalo nang subukan niya ang island hopping, underwater digging at food trip.
Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing nabighani ang "Love of My Life" star sa gandang taglay ng mga isla ng naturang probinsya.
"May isang part na never ko pang napupuntahan doon sa Panglao na we were able to swim with a big school of fish, they call it 'sardine run.' Hindi naman talaga ako marunong mag-free dive or anything tapos naisip ko 'Sige na nga I'll swim deep na lang,'" sabi ni Rhian.
Kaya naman hindi malilimutan ni Rhian ang kaniyang island trip at nakita niya rin ang pangangailangan na pangalagaan ang kapaligiran.
"Be more mindful doon sa mga ginagawa natin with water, with energy, with the trash... Maganda talaga ang Pilipinas, pero maganda talaga ang buong mundo. And there is so many different things to see, we should really be more responsible," sabi ni Rhian.--Jamil Santos/FRJ, GMA News
