Dahil sa maitim na plano ni Kendra, nasa bingit ngayon ng kamatayan ang buhay ni Lady Prima matapos na manlaban sa magnanakaw. Pero maging daan kaya ito para magbago si Brianna at ibisto ang ginawa ng kaniyang ina?
Panoorin ang highlights ng episode ng "Prima Donnas" ngayong Lunes, at alamin sa comment section ng video ang naiisip na senaryo ng mga netizens kung ano ang mga posibleng susunod na mangyayari.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
