Pumanaw na sa edad na 24 ang Korean actress Go Soo Jung na kabilang sa mga bida sa seryeng "Goblin," ayon sa Korean entertainment website soompi reports.

Inanunsyo ng agency ni Soo Jung na Story J Company ang malungkot na balita sa Instagram nitong Miyerkules, February 12.

"A few days ago, actress Go Soo Jung bid farewell to this world and became one of the bright stars in the sky," saad ng Story J Company sa mga mamamahayag, ayon sa ulat ng Soompi.

 

 

Sa ulat ng Soompi, ipinaliwanag ng agency ng aktres na sakit ang dahilan ng pagpanaw nito.

Isang private funeral ang ginanap noong Linggo, February 9.

Nagsimula ang acting career ni Soo Jung nang makasama siya sa Korean drama series na "Goblin" noong 2016.

Bumida naman siya sa Korean thriller series  na “Solomon’s Perjury.”

Napanood din ang aktres sa music video ng BTS na “With Seoul.”— FRJ, GMA News