Napuno ng kilig ang studio ng "Eat Bulaga" nang biglang mag-propose ang hindi lang isa, kundi dalawang lalaki sa kani-kanilang kasintahan sa segment na "Bawal Judgmental" ngayong Valentine's Day.

Unang nag-propose si Don, na anim na taon nang in a relationship kay Mina. Bago nito, ipinaalam na si Don sa kaniyang mga magulang at sa mga magulang ni Mina ang plano niyang proposal.

Sumunod naman si Jhay, na one year at six months nang kasintahan si Janice. Isang matamis na rin "Yes I do!" ang ibinigay sa kaniya ni Janice.

 

Sa panayam sa mga newly engaged couples sa Facebook live, inihayag ni Jhay na plano na niya talaga na mag-propose sa Valentine's Day.

Si Don naman, naramdamang handa na siya kaya binalak na niyang ayain ng kasal si Mina ngayong taon.

--FRJ, GMA News