Kahit mga Pinoy, pang-K-pop ang dating sa performance ng grupong SB19 kaya naman maraming kabataan ang humahanga sa kanila. Ang isa sa kanilang avid fan na si Christelle Joy, gumagawa ng paraan para mapanood ang kanilang pagtatanghal.
Iyon nga lang, hindi pa nakakalapit si Christelle Joy sa kaniyang mga idolo. Kaya ang "Kapuso Mo, Jessica Soho," gumawa ng paraan upang ang mga idolo niya ang lumapit sa kaniya sa mismong paaralan.
Panoorin ang kanilang pagkikita sa video na ito, pati na ang mga taong nahuhumaling ngayon sa TikTok app.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
