Umabot na sa mahigit 1.8 milyon ang views at trending pa rin sa Youtube ang highlights ng "Prima Donnas" kung saan magkaharap at magsalpukan na naman sa cheerdance tryout ang magkakapatid na Donnas laban sa grupo ni Brianna.

Sa cheerdance tryout na ginawa sa kanilang paaralan, mas nagustuhan ng mga manonood ang ginawa ng magkakapatid na Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo).

Hindi matanggap ni Brianna (Elijah Alejo) ang nangyari kaya gumawa siya ng paraan para makaganti sa pagkakapatid pero nabisto siya at nauwi muli sa komprontasyon ang lahat.

Balikan ang naturang eksena kung saan sumabog sa galit ni Donna Marie kay Brianna.

Sa isa pang episode ng tinutukang serye at mayroon na ring mahigit isang milyong views, naisahan at ipinahiya ng palaban na si Donna Belle si Brianna sa eskuwelahan.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
 

--FRJ, GMA News