Inihayag ng mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris ang kanilang sikreto sa matatag nilang relasyon.

"Number one talaga si God sa buhay ng mag-asawa," sabi ni Marc sa Unang Balita nitong Miyerkoles.

"And respect, kasi dapat irerespeto niyo 'yung isa't isa," ayon naman kay Danica.

"Like kunwari si Marc, nirerespeto ko 'yung pagiging head of the family niya. Ganoon din siya sa akin na, he makes me feel secure as a wife," dagdag ng aktres.

Nagbigay din ng sweet messages sina Danica at Marc sa isa't isa.

"Thank you, thank you, thank you babe dahil talagang hindi ka nagsasawa na ipakita 'yung pag-alala sa amin. Ganoon ka pa rin, makulit ka pa rin, malambing ka pa rin, kolokoy ka pa rin. Pero 'yung pagka-hardworking mo hindi nawawala," sabi ni Danica kay Marc.

"Ang dami kong gustong pasalamatan sa iyo... Of course thank you na lagi kang nandiyan sa tabi namin. Salamat sa pagtuturo mo sa akin. Thank you sa mga masarap mong luto sa amin. Grateful talaga ako na ikaw 'yung binigay ni Lord sa akin," mensahe naman ni Marc kay Danica. —Jamil Santos/LBG, GMA News