Ikinasal na sa pamamagitan ng civil ceremony ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo, 31, at Matteo Guidicelli, 29.

Sa ulat ni Arniel C. Serato sa PEP.ph nitong Biyernes, sinabing ginanap ang civil wedding sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig, nitong Huwebes ng gabi, February 20.

Naganap naman daw ang reception sa Ministry of Crab na matatagpuan din sa nasabing hotel.

Ngunit nabahiran ng kaguluhan ang masaya sanang okasyon dahil sa naganap na suntukan umano sa pagitan ni Matteo at ng isang bodyguard ng pamilya ni Sarah.

READ: Matteo, 'binira' umano sa lalamunan ang bodyguard ni Sarah

Isang taon nang engaged sina Matteo at Sarah nang ianunsiyo ng aktor ang kanilang engagement noong November 2019.

Ngunit wala silang sinabing petsa kung kailan magaganap ang kanilang kasal.

Hanggang kahapon, February 20, lumabas ang report ni Ricky Lo sa The Philippine STAR na magaganap sa araw ring iyon ang pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo sa Victory Fellowship Church, kung saan aktibong miyembro ang showbiz couple.

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph na sa March 27, 2020 talaga ang petsa ng kasal nina Sarah at Matteo. Ngunit may espesyal na kahulugan daw ang petsang February 20, 2020 sa dalawa kaya pinili nilang magkaroon ng pribadong civil wedding.-- For the full story, visit PEP.ph