Bibida sina Kate Valdez at Migo Adecer sa bagong series na "Project Destination," na itinatampok ang tradisyon ng mga katutubong Ifugao.
Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing produced ng GMA Public Affairs at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang "Project Destination."
"[Para] sa mga viewers natin at sa mga manonood nito to preserve our culture at 'yung kung ano talaga ang tradition nating mga Pilipino," sabi ni Kate.
Naging hamon naman daw kay Migo ang pag-shoot ng series dahil sa malayo ang lugar nito.
Kasama ang Indie actor na si Royce Cabrera sa serye, na ididirek ni Zig Dulay.
Mapapanood ang "Project Destination" sa GMA News TV sa March 14. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News
