Tila hindi inasahan ni Kuya Wil ang mabilis na sagot ng magandang "Wowowin" contestant na si Carmela nang tanungin niya ito kung ang gusto niya sa isang lalaki. Sagot kasi ng babae, "Ikaw. Wala nang patumpik-tumpik pa Wil."

Minsan nang nagtagpo sina Kuya Wil at Carmela sa studio ng "Wowowin" pero biglang nawala ang babae matapos daw maabutan ng P5,000. Dahil sa bigla niyang pag-alis, nabanggit ni "Hipon Girl" Herlene na na-modus si Kuya Wil.

Sa kaniyang pagbabalik, ipinaliwanag ni Carmela kung bakit bigla siyang nawala. Panoorin ang nakatutuwang eksena sa video na ito.


Click here for more Wowowin videos:

--FRJ, GMA News