Sa programang "Tunay Na Buhay," inalala ni Mikael Daez kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ni Megan Young, at kung paano niya nalaman na ito na ang kaniyang "The One."
Kuwento ni Mikael, nagkakilala sila ni Megan sa isang event noong 2010 kung saan model siya noon at si Megan ang host.
Hanggang sa lagi na silang pinagkikita ng kanilang common friend, at matapos ang 100 araw, naging girlfriend na niya si Megan.
Pero itinago muna nila ang kanilang relasyon sa publiko dahil gusto nila itong maging pribado. Taong 2017 nang isapubliko na nila ito.
Taong 2020 nang magpakasal na sila nang dalawang beses, isang opisyal sa Calaruega noong Enero 10, at isa sa Subic noong Enero 25.
"One of the things that really attracted me to Mikael was his personality. He was such a talkative person. I don't think I have ever met anyone as talkative as Mikael so that really drew me to him kasi we would have endless conversations," sabi ni Megan tungkol kay Mikael.
"Honestly sobrang simple lang, I like being with her. We like being with one another, and I know can be happy with her for the rest of my life," sabi naman ni Mikael tungkol kay Megan. —Jamil Santos/LBG, GMA News
