Dahil pareho silang coffee lovers, naging hobby na ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang latte art at pagtimpla ng perfect blend black coffee.

Sa programang "Tunay Na Buhay," ipinakita nina Mikael at Megan kung paano nila tinitimpla ang black coffee kapag nasa bahay sila, at sinabing gusto nila na "very light" lang ang lasa nito.

Binalikan din ni Mikael ang ilang bansa na kanilang pinuntahan ng kaniyang "ultimate travel buddy" na si Megan, kabilang ang London, Iceland, at Japan.

Espesyal daw ang London dahil dito sila nagkita ni Megan matapos niyang manalo sa Miss World.

— MDM, GMA News