Marami ang hindi makalabas ng bahay para makapag-workout  dahil sa umiiral na community quarantine. Kaya naman sa pamamagitan mala-video conference ng mga Kapuso star, ibinahagi ng hunk actor na si Jak Roberto ang ilan sa kaniyang home workout para mapanatiling fit ang pangangatawan.

Pero may napansin silang picture ng isang babae na nasa dingding ng bahay ni Jak. Sino kaya ito? Panoorin.

 

--FRJ, GMA News