Sa programang "Tunay Na Buhay," ipinasilip ng mga hunk single na sina Clint Bondad at Ervic Vijandre ang kanilang mga tinutuluyan. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga passion at kung paano nila pinapangalagaan ang kanilang pangangatawan.

Agaw-pansin ang vision board ni Clint, kung saan niya sinusulat ang mga gawin at ano ang dapat na maging mindset. Si Ervic na mahilig sa baseball at basketball, at ipinakita ang koleksyon ng kaniyang mga cap at sapatos. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News