Ibinalita ni Kuya Willie Revillame na muling mapanonood nang live simula sa Lunes ang "Wowowin" kasama ang "Tutok To Win" sa pamamagitan ng Facebook, YouTube, Twitter at pati na sa TV.
“Good news po sa lahat ng umaasa na manalo sa 'Tutok to Win' dahil po live na ulit tayo sa Facebook, Twitter, at YouTube. At hindi lang ho 'yan, kasama na po ang time slot ng Wowowin, 5 p.m. to 6:30 p.m. po sa GMA 7, live na po ang "Tutok to Win- Wowowin.”
Muli ring nagpaalala si Kuya Wil sa publiko na manatili sa mga bahay at sundi ang umiiral na enhanced community quarantine. Panoorin.--FRJ, GMA News
