Itinanggi ng popular game streamer-vlogger na si Bianca Yao na may romantikong namamagitan sa kanila ng aktor na si Alden Richards, na kilalang gamer din.

Sa ulat ng PEP.ph, sinabing nag-ugat ang pag-uugnay sa dalawa na binansagan sa gaming community na "AlCake," nang magbigay ng 3,500 stars si Alden kay Bianca habang naka-live stream ang paglalaro ng dalaga ng Defense of the Ancients 2 (DOTA).

Ang stars ay Facebook currency na may katumbas na aktuwal na monetary value para sa streamer. May katumbas na halagang $US0.01 ang bawat star.

Noong una ay 1,000 stars daw ang ibigay ni Alden kay Bianca.  Pero hindi raw kaagad nalaman ni Bianca na si Alden ang nagbigay dahil isang "Richard Reyes Faulkerson Jr." ang nagbigay ng mga stars.

Nalaman na lang ni Bianca na si Alden si "Richards" dahil na rin sa ibang gamer.

Matapos na muling magpasalamat si Bianca kay Alden, biniro umano ng dalaga ang aktor na, “Dapat hindi lang 1,000 stars.”

Muli naman daw nagpadala ng dagdag na 2,500 stars si Alden kay Bianca.

Nagbiro na naman daw at natatawang sinabi ni Bianca: “Wag kang ganyan, Alden. Marupok ako. Wag kang ganyan.”

Sa isa pang streaming ni Bianca, muli raw nagpadala ng 2,500 stars si Alden sa kanya.

READ: #AldenPautang trends after Alden Richards shows off gaming setup

Kaya naman may mga nakapansin na bagay ang dalawa at nagsimula nang magkaroon ng fandom na "AlCake."

Dahil batid na solid ang fans ni Alden, may ilang nagpaalala umano kay Bianca na baka ma-bash tulad ng ibang celebrity na na-link noon sa aktor.

Kaya naman nilinaw ni Bianca na walang romantikong namamagitan sa kanila ni Alden at sinabing sadyang supportive lang umano ang aktor sa mga gamer, bilang isang gamer din si Alden.

“Gusto ko lang rin sabihin sa mga fans niya na, kung may nasabi man akong hindi maganda, sorry… and hindi ko sinasadya kung ano man yun.

“Sa naalala ko, wala pa naman,” sabi ni Bianca sa isang streaming.

Sa isa pang streaming ni Bianca ng araw na iyon, muli siyang nakiusap na huwag silang bigyan ng malisya ni Alden.

Sa kanyang mensahe sa fans ni Alden, sinabi ng dalaga na naiintindihan niya ang pag-aalala ng mga ito para sa aktor.--For the full story, visit PEP.ph