Nagkaroon ng Q&A sa kanyang Instagram ang "Die Beautiful" star na si Christian Bables at isa sa mga naitanong ay ang kung ano ang kaniyang dream role sa isang pelikula.

Ayon sa movie/TV actor, interesado siya na gumanap bilang isang suicide bomber sa isang movie project.

Pabirong sagot ni Christian: "Dahil gusto ko magpaputok... ng bomba sa isang pelikula."

"Kidding aside, daming pain ng isang suicide bomber, gusto ko ma-explore kung paano siya mananalo as a person by choosing to be a suicide bomber, ang sarap laruin nung character."

Ibinahagi din niya sa kanyang fans kung kelan niya na-realize na gusto niya maging aktor.

Ayon sa Christian, nadiskubre niya ang love for acting noong nasa college siya at hindi na raw ito naalis sa kaniyang ugat.

Nakuha ni Christian ang big break niya sa showbiz sa pagganap niya bilang si Barbs sa 2016 Metro Manila Film Festival na "Die Beautiful" kung saan lead actor ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros. --Aedrianne Acar/GMANetwork.com