Inamin ni Megan Young na minsan niyang pinagselosan ang kapwa Kapuso actress na si Andrea Torres, na naging ka-love team noon ng kaniyang mister na si Mikael Daez.

Sa podcast nila ni Mikael kamakailan, sinabi ni Megan na naramdaman niya ang selos nang isakay ng nobyo pa lamang niya noong si Mikael sa kotse nito si Andrea.

Noong una ay nag-isip muna ang Miss World 2013 kung pangangalanan niya ang babaeng pinagselosan niya. Pero kinalaunan ay tinukoy niya rin ito na si Andrea.

Dahil kaibigan naman daw nila ang aktres,  naniniwala si Megan na matatawa na lang daw si Andrea kapag ikinuwento niya ang nangyari.

Pagkatapos nito ay idinetalye ni Megan ang pagseselos niya kay Andrea.

“The story begins with Mikael starting a new show and starting a new love team, and his love team at that time was Andrea,” bungad ni Megan.

Inilunsad ang tambalan nina Mikael at Andrea sa GMA-7 drama series na "Sana Ay Ikaw Na Nga", na umere mula September 2012 hanggang February 2013.

Paglilinaw naman ni Mikael, hindi niya sa bahay inihatid si Andrea.

“It wasn’t coming from a mall show. It was coming from a workshop.

“I remember clearly we were in Makati. We were going back to GMA.”
Inusisa ni Mikael si Megan kung bakit ito nagselos.

Sagot ni Megan, “Initially, it was jealousy, I will admit that.

“I admit I was jealous that you were alone with another girl in your car.

“It made me feel, at that time, insecure.

"I would say, ‘Bakit kailangan may iba siyang kasama sa kotse? Before he did that, why couldn’t he just tell me ahead of time?’

“There were thoughts running in my head, like, Mikael was really flirty when he talks to people.”

Kung anu-ano na raw ang pumasok sa isip ni Megan noon hanggang sa puntong baka maghiwalay sila.

Ipinaliwanag naman si Mikael na ang tumatakbo noon sa isipan niya ay kung paano makahanap ng “balance” para maging matagumpay ang tambalan nila ni Andrea.--For the ful story, visit PEP.ph