Inihayag ni Golden Cañedo ang kaniyang paghanga sa kaniyang boyfriend dahil sa laging pag-effort nito sa kabila ng kanilang long-distance relationship.

Sa panayam sa kaniya ng “Unang Hirit” nitong Miyerkoles, nagkuwento si Golden tungkol sa kaniyang boyfriend na si Martin Raval, na isang pre-med student na nakabase sa US.

Ipinagdiwang nina Golden at Martin ang kanilang unang anibersayo nitong Agosto 14.

“Hindi naman po bago sa amin na magkalayo kami. In a year, nagkikita lang kami nang tatlong beses. So nung time na ’yun hindi naman po niya ako binigo,” sabi ni Golden.

“Sobrang effort po niya talaga kasi first year anniversary po namin,” dagdag pa ng “The Clash” season 1 Grand Champion.

 

 

Nagkakilala sina Golden at Martin noong concert ng Studio 7 sa New York.

“Chance encounter din po yung nangyari ... Nagkita din po kami doon and then doon po na nag-start na nag-DM siya sa Instagram,” kuwento ni Golden.

READ: Golden Cañedo reveals how she earned her parents’ trust to have a boyfriend at 18

“Siguro it’s God po talaga, may plan po talaga si God and reason kung bakit po napunta siya sa life ko,” sabi pa ng Kapuso singer.

Tulad ng relasyon nila ni Martin, sakto namang nag-release si Golden ng bago niyang single na “Walang Hanggang Sandali,” na tungkol din sa pag-ibig sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

“Love song po itong kantang ito, and it’s about chance encounter, unexpected happening po sa life,” sabi ni Golden. – Jamil Santos/RC, GMA News