Nakasama ang tandem nina Donita Nose at Tekla sa "Top 10 Breakout Creators" ng YouTube Philippines ngayong 2020.

Sa ulat ng GMA News "Unang Hirit" nitong Lunes, sinabing nasa pang-10 puwesto ang DonEkla in Tandem, habang nanguna sa listahan ang Cong TV ng Team Payaman.

Kasama rin sa top 10 ang apat na miyembro ng Team payaman.

Pang-siyam naman sa puwesto ang namayapang vlogger na si Emman Nimedez.

Kinikilala ang mga Breakout Creators na umani  ng maraming subscribers kung saan bansa sila nanggaling.--FRJ, GMA News