Dahil sa mga limitasyon dulot ng COVID-19 pandemic, si Jak Roberto muna ang nagsilbing photographer ng kapatid niyang si Sanya Lopez para sa portfolio shoot nito. Si Sanya, hanga sa natatagong talento ng kaniyang kuya.

Para sa GMA Artist Center Folio Magazine ang shoot ni Sanya, kung saan may tatlo siyang iba't ibang outfits.

Todo-effort naman ang kaniyang Kuya Jak sa pag-set up, pati na rin sa pagpuwesto para sa makuha ang tamang anggulo.

"Sanya asked me to take her photos for our upcoming Folio Magazine," sabi ni Jak. "It was both challenging and fulfilling at the same time because I have been enjoying taking photos and even make better videos for my vlog lately."

"Nag-enjoy din ako dahil low key nakapag-bonding din kami ni Bida-bida!" dagdag pa ni Jak.

"I'm very proud of you! Nakakatuwa kasi kung anu-ano 'yung mga dini-discover niya sa sarili niya. Tingnan natin 'yung kung ano ang mangyayari sa pagiging photographer mo. Sinusuportahan kita sa kung ano man ang gusto mo," mensahe ni Sanya kay Jak.--FRJ, GMA News