Ipinagbubuntis ni Isabelle Daza ang ikalawa nilang anak ng asawang si Adrien Semblat.

Ito ang ibinahagi ni Isabelle sa kaniyang Instagram nitong Biyernes, kung saan inanunsyo niyang 21 linggo na siyang buntis habang ipinapakita ang kaniyang baby bump.

Kasabay na rin ito ng pagpapasulyap ni Isabelle ng bagong maternity leggings ng kaniyang activewear line.

Ikinasal sina Isabelle at Adrien noong 2016, at biniyayaan ng una nilang anak noong 2018. – Jamil Santos/RC, GMA News