Habang pahinga muna sa taping sa teleserye, nasa kaniyang lalawigan sa Palawan si Katrina Halili kung saan ini-enjoy niya ang buhay-probinsiya.

"Nung pandemic, na-realized ko na parang 18 years na 'kong nagwo-work nang nagwo-work hindi ko laging nakikita yung family ko," sabi ni Katrina sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa "24 Oras" nitong Biyernes.

Nang kumustahin ang aktres sa kaniyang buhay-probinsiya, masayang tugon ng aktres, "Mas hindi magastos. Puwede kang mamulot ng itlog sa mga alaga mong native na manok, puwede kang mag-lechon ng manok."

Nagtatanim din siya na ngayon lang niya nagagawa kaya nag-e-enjoy din siya.

At habang naghihintay pa kung kailan magsisimula ang taping nila ng book 2 ng "Prima Donnas," gumawa muna ng pelikula si Katrina na mayroon daw mga eksenang sexy kasama si Allen Dizon.--FRJ, GMA News