Ipinakita na ni Heart Evangelista ang painting na umabot umano ng dalawang taon bago niya natapos.

Sa Instagram, ipinost ng Kapuso Queen of Creative Collaborations ang kaniyang obra, na tinernohan pa niya ng kasuotan na pink chrysanthemum-like gown.

“Painting has always been my escape,” saad ng aktres sa caption ng larawan.

“I give my heart and soul to every painting and I just fall in love with the outcome,” dagdag pa niya.

 

 

Kilala si Heart sa kaniyang husay sa pagpipinta kung saan niya naipapahayag ang kaniyang damdamin.

Ang hilig niya sa pagpipinta ay nagagamit din ni Heart maging sa designer bags, clothes, at gadgets. — FRJ, GMA News