Inihayag ni Polo Ravales na inaasahan na nila ng kaniyang non-showbiz fiancée na si Paulyn Quiza ang kanilang baby boy sa Setyembre.
"Malapit nang manganak 'yung fiancée ko, due niya is in September, two months to go na lang," sabi ni Polo sa "Mars Pa More."
Kuwento ni Polo, inakala ng mga mahal nila sa buhay ni Paulyn na baby girl ang kanilang magiging anak dahil blooming si Paulyn.
"Nagkaroon nga kami ng gender reveal last time. Maraming nagulat na baby boy 'yung magiging baby ko kasi maraming nagsasabi na si Paulyn maganda raw magbuntis so akala nila babae," anang aktor.
Pinayuhan naman nina "Mars" hosts Iya Villania at Camille Prats, si Polo na maghanda na sa pagpupuyat para sa pag-aalaga ng bata.
Sa Instagram, nag-post ni Polo ng ultrasound ng kanilang anak.
“Thank You Lord for this Miracle and Blessing. We are excited to meet you Baby P," saad sa caption ng aktor.
Na-engaged sina Polo at Paulyn noong Pasko noong 2018. --FRJ, GMA News
