Ngayong walong taon na bilang mag-asawa, sinagot ng Kapuso journalists na sina Mariz Umali at Raffy Tima kung kailan nila planong magkaroon ng anak.
"Inaabangan na rin namin 'yan!" sabi ni Mariz sa "Tunay Na Buhay."
"May mga plan na rin naman, of course in God's perfect time. Pero ngayon kasi may ibang consideration, merong pandemic, so hinihintay naming magka-second jab and then tuloy ulit 'yung 'operation,'" sabi naman ni Raffy.
"Kailangan mabakunahan talaga," ayon kay Mariz.
Alamin sa "Tunay Na Buhay" kung sino kina Mariz o Raffy ang mas sweet, mas mabilis makatulog, at kung sino ang mas maalaga kapag nagkasakit ang isa. —LBG, GMA News
