May short but sweet na mensahe si Jak Roberto para sa kaniyang "love of my life" na si Barbie Forteza, na nagdiriwang ngayon ng ika-24 kaarawan nito.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Jak ng larawan na magkasama sila ni Barbie habang ini-enjoy ang kanilang sweet moment.

"Happy birthday to the love of my life! Sana matapos this year lahat ng pinapagawa mo! Amen ???????????? I love you so much ??????" caption ni Jak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

 

Tinugunan naman ito ni Barbie sa comments section.

"Awww thank you so much mahal ko ?? I love you ??" anang Kapuso actress.

Taong 2017 nang maging magkarelasyon ang dalawa, at marami ang sumuporta sa kanilang kulitan bilang magkasintahan na makikikita sa kanilang vlog.

Nang matanong tungkol sa kasal, sinabi ni Jak na handang-handa siyang magpakasal. —LBG, GMA News