Kumpirmado nang magkakaroon ng collaboration ang BTS at si Chris Martin ng Coldplay sa upcoming episode ng "Released" ng YouTube.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing pag-uusapan ng dalawang musical superstars ang positive vibe na dala ng "Permission to Dance" challenge.

Kasama ring ipalalabas ang compilation ng shorts na galing sa fans sa iba't ibang panig ng mundo.

Lumabas ang mga usap-usapan tungkol sa collaboration ng BTS at Coldplay nang mag-perform ang BTS ng cover ng kanta ng Coldplay na Fix You.

Samantala, ipinasilip naman ng TWICE ang kanilang kauna-unahang whole English single na "The Feels."

Bukod sa spoiler video, naglabas din sila ng concept photo.

Nakatakdang i-release ang kanilang single ng TWICE sa Oktubre 1.

Puno naman ng energy ang bagong music video ng Astro para sa kanta nilang "Alive."

Napansin din ng fans ang eyebrow piercing ng miyembro nitong si Cha Eun Woo sa video.

Inilabas naman ng BTOB ang kanilang special album, na may title track na "Outsider."

Meron na itong mahigit 11 milyong views sa YouTube. – Jamil Santos/RC, GMA News