Matapos mag-post ng kaniyang mga topless photos sa kaniyang ika-27 kaarawan, inihayag ni Kim Rodriguez na handa na siyang sumabak sa daring roles.

"Since nga naisipan ko na 27 na ako, I wanna try new things, gusto kong mag-explore since gusto kong lumabas sa comfort zone ko, gusto kong i-try 'yung mga bagay na hindi ko kayang gawin before," sabi ni Kim sa "At Home with GMA Regional TV."

Ayon kay Kim, mahal niya ang pag-aartista at ito ang kaniyang passion.

Gayunman, sinabi niyang meron pa ring mga limitasyon sakaling gumawa na siya ng daring roles.

"Kung ready na ako sa daring roles, sa tingin ko ready na ako. Siguro may limit pa rin pero ready na ako. Kasi kung worth it naman sa movie or sa teleserye, or ikagaganda ng movie, why not, 'di ba?," paliwanag niya.

Daring at sexy si Kim sa pagdiriwang ng kaniyang ika-27 kaarawan matapos siyang mag-pose ng topless sa Instagram.

"Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes boring when you stay in your comfort zone," caption niya.

Inihayag din ni Kim na bata pa lamang siya, gusto na niyang mag-artista.

Inalala ni Kim nang mag-audition siya sa Kapuso Network, hanggang sa matanggap siya sa "Reel Love Presents Tween Hearts."

Makakasama si Kim sa bagong Kapuso series na "Never Say Goodbye." --FRJ, GMA News