Game na sinagot ni Myrtle Sarrosa ang ilang maiinit na tanong sa kaniya tulad ng kung sino ang kaniyang celebrity crush.

Sa programang "Tunay Na Buhay," tatlong pangalan ng celebrity crush ang tinanong kay Myrtle pero iisang pangalan lang ang kaniyang binanggit.

"Atom Araullo," natatawang pag-amin ni Myrtle.

"Second local celebrity na crush ko? Wala na eh," dagdag pa niya.

Bukod dito, inilahad din ni Myrtle na gusto niyang maging leading men sina Alden Richards at Derrick Monasterio.

Ibinigay ni Myrtle ang mga salita na naglalarawan sa kaniya kapag siya ay in a relationship.

"Mapagbigay, mapagmahal and very devoted. Dagdagan ko na rin ng loyal," sabi niya.

--FRJ, GMA News