Hindi si Kuya Willie Revillame, kundi si Michael V. bilang si "Kuya Wowie" muna ang nag-host sa programang "Wowowin" nitong Miyerkules.

Sa kaniyang unang pagkakataon na i-host ang programa, makikita na game na game na nagpasaya si Kuya Wowie sa "Tutok To Win."

 

 

Hindi rin siya nagpahuli sa kaniyang opening dance number.

 

Paliwanag naman ni Kuya Wowie, nasa Mindanao si Kuya Wil para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Bago nito, nag-post na si Bitoy sa kaniyang Facebook bilang si Kuya Wowie.

 

Maraming netizens naman ang humirit sa kaniya ng jacket. — Jamil Santos/VBL, GMA News