Inihayag ni Andi Eigenmann ang plano ng kanilang pamilya na i-donate sa mga kababayan sa Siargao na sinalanta ng Bagyong Odette ang kikitain nila sa mga susunod nilang vlog.

"We are grateful that our family and friends are safe, but most of them have lost their homes and are in need of food, water, among others," sabi ni Andi sa video sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Huwebes.

"With this, we will be using our earnings from our coming videos to help slowly rebuild our island home again," pagpapatuloy ng aktres.

 

 

Ayon pa kay Andi, paraan nila ito para pasalamatan ang Siargao para sa "magic" na ibinigay ng lugar sa kanilang buhay.

Umani naman ito ng positibong feedback sa kaniyang mga kaibigan at followers, na mayroon nang mahigit 257,000 views. --Jamil Santos/FRJ, GMA News