Handa na raw si Valeen Montenegro na ibigay ang kaniyang matamis na "oo" kung sakaling mag-propose na sa kaniya ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Riel Manuel.

"Yes ang sagot ko, oo," sagot ni Valeen nang tanungin siya tungkol sa pagse-settle down sa programang "Mars Pa More."

Sinabi rin ni Valeen na napag-uusapan na nila ng nobyo ang paglagay sa tahimik.

Dagdag ni Valeen, naghihintay na lamang siya, pero hindi niya naman pini-pressure ang kaniyang nobyo.

"Ayoko siyang i-pressure. Kung nanonood ka huwag kang ma-pressure ako lang ito," natatawang mensahe ni Valeen kay Riel.

 

 

--FRJ, GMA News