Nagbigay ng payo si Vaness del Moral sa mga bago at nagbabalak na maging artista na magpakatotoo kung gusto nilang magtagal sa showbiz.

"The greatest lesson that I learned in showbiz is, sa maraming tao ko siya natutunan, whether it be a makeup artist, a stylist, a producer or a co-actor is maging totoo kang tao," sabi ni Vaness sa Kapuso Confessions.

"Kaya 'yun din ang ina-advise ko sa mga bago, sa mga gustong mag-artista, is maging totoo kang tao. Kasi kapag hindi ka totoong tao hindi ka tatagal," patuloy niya.

Pagdating naman sa pag-acting, inihayag ni Vaness ang kaniyang paghanga sa mga beterano at beterana na sina Cherie Gil at Tirso Cruz III.

"It's not because kontrabida si Tita Cherie or kontrabida rin si Tito Pip. But 'yung work ethic kasi nilang dalawa rin, lalo na si Tito Pip, grabe, sobrang hanga ako sa mga artistang sobrang professional."

"I actually look up to all artists who are very professional when it comes to their craft, when it comes to their work. Regardless kung veteran ka na or baguhan ka pa lang, mataas ang magiging respeto ko sa'yo kapag nakitaan kita ng professionalism talaga," ani Vaness.

Mapapanood si Vaness bilang si Hillary Suarez sa Kapuso drama crime series na "Widows' Web," na nakatakdang mag-finale nitong Biyernes. -- FRJ, GMA News