Inihayag ni Ariella Arida na handa siyang tumanggap ng mas daring pa na roles.

"Siyempre sa acting kailangan natin ng level up pa na mga roles. Kaya sana mga challenging roles pa 'yung mapunta sa akin," sabi ni Ariella sa Sarap 'Di Ba? Online Exclusive.

ADVERTISEMENT

"At hindi lang 'yan. Kung napapansin niyo rin, medyo sexy sexy, daring daring as a mature role na ginagawa natin," dagdag pa ni Ariella.

Gayunman, sinabi ni Ariella na gagawin niya ang sexy roles kung meron din itong magandang istorya.

Pero siyempre lahat 'yon it comes with a story and it comes with the role itself," saad ng Miss Universe Philippines 2013.

"Sana abangan niyo pa 'yung mga next na gagawin ko dahil hindi niyo alam, baka mas mature pa ang ipakita ko sa inyo," sabi ni Ariella.

Napanood si Ariella sa Kapuso drama romance anthology na "Stories from the Heart: The End of Us."--Jamil Santos/FRJ, GMA News