Inilahad ni MJ Lastimosa ang sikreto kung bakit nagki-click ang "4M" ng "Eat Bulaga" na binubuo niya, Maja Salvador, Miles Ocampo, at Maine Mendoza.

"Number one, si Maine napakakulit, masayahin," sabi ni MJ sa Sarap, 'Di Ba? Online Exclusive.

ADVERTISEMENT

"Ito number two si Maja, napaka-ate. Talaga namang bonggang-bongga sa mga advice sa amin. Si Miles ang baby namin, naku! in-love na in-love," anang Miss Universe Philippines 2014.

"Kaya talagang masasabi kong nagki-click kami dahil may nako-contribute kaming lahat sa friendship at very effortless ang pagkakaibigan," dagdag ni MJ.

Matatandaang unang nakilala si Maine bilang si Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga noong 2015.

Sina MJ at Maja naman, parehong pumasok sa longest running noontime show noong nakaraang taon.

Pumasok naman si Miles sa Eat Bulaga Marso ngayong taon.--FRJ, GMA News