Mommy na si Rita Gaviola, na mas nakilala sa tawag na “Badjao Girl.”

Sa Instagram, nag-post ng larawan si Rita habang hawak ang kaniyang baby.

ADVERTISEMENT

Sa isa pang post, makikita naman ang larawan kasama ang kaniyang partner at may nakasaad na, “mahal ko kayo.”

 

 

Unang nakilala si Rita bilang “Badjao Girl” nang mag-viral ang kaniyang larawan habang nasa kalye sa Lucban, Quezon.

Kasunod nito ay naging bahagi siya ng isang reality television show at naging modelo rin. — FRJ, GMA News