Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita sa GMA Network building sina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria para sa promotion ng "Unbreak My Heart.”

Ang “Unbreak My Heart” ay collaboration series ng GMA Network at ABS-CBN, na tampok din ang mga Kapuso star na sina Richard Yap at Gabbi Garcia.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Nauna nang ipinalabas ang trailer ng “Unbreak My Heart” nitong nakaraang Marso.

Sa naturang proyekto, balik-tambalan sina Jodi at Richard, habang unang pagkakataon naman na magtatambal sina Joshua at Gabbi.

Mapapanood ang “Unbreak My Heart” simula sa May 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, I Heart Movies, at maging sa GTV.  Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV at TFC.— FRJ, GMA Integrated News