Inabangan ang paggamit ni Voltes V ng iconic move nitong butterfly return technique para talunin ang beast fighter na si Gardo sa episode ng Voltes V:Legacy nitong Miyerkoles.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing isang samurai na mahusay sa paggamit ng espada si Gardo, na tinalo ni Voltes V.

Masaya ang Voltes Team sa paggapi nila sa Boazanian beast fighter, na bunga ng pagsasanay nina Steve, ginagampanan ni Miguel Tanfelix, at si Big Bert na ginagampanan ni Matt Lozano.

Hindi ikinatuwa ng mga Boazanian ang panibagong tagumpay ng Voltes V, kaya posibleng may panibago silang hakbang laban sa Earth. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News