Magiging ate na si Tali matapos ibahagi ni Pauline Luna ang kaniyang pagbubuntis ikalawang anak nila ni Vic Sotto.

Inanunsyo ni Pauline ang magandang balita sa Instagram post ng video na makikita si Tali na masayang naglalaro at nagsasayaw kasama ang dalawang malaking lobo na may nakalagay na "Big Sister."

Saad ni Pauleen sa caption: "Someone's excited to be a..."

 

 

Ilang celebrities naman gaya nina Ryan Agoncillo, Camille Prats, at Mariel Padilla, ang bumati sa aktres sa comment section.

Taong 2016 nang ikasal sina Pauleen at Bossing Vic.

Isang taon makalipas ng kanilang kasal, biniyayaan na sila ng anak na si Tali.

Sa isang panayam at maging sa social media kay Pauleen noong nakaraang taon, inihayag ng aktres na gusto pa niya na magkaroon ng isang anak.—FRJ, GMA Integrated News