Ikinasal na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia.

Sa Instagram, nag-post sina Maja at Rambo ng larawan na magkatabi sa kanilang wedding ceremony.

"MR Forever," saad ni Rambo na may petsa ng kanilang kasal.

Bago nito, ibinahagi ng dalawa ang ilan nilang prenup photos na kinunan sa harap ng pyramid sa Cairo, Egypt.

Nitong nakaraang taon nang maganap ang engagement nina Maja at Rambo. Nitong nakaraang Abril nang idaos ang bachelorette party ng aktres.

 

 

Unang naging magkasintahan sina Maja at Rambo noong 21 anyos pa lang ang aktres.  Pero nagkahiwalay ang dalawa, at nagkabalikan noong 2019. 

Sa isang panayam noong Mayo Maja Salvador, ikinuwento kung bakit pumayag siyang makipagbalikan kay Rambo bagaman hindi niya ito ginagawa sa kaniyang mga dating ex.

"Nung unang naging kami, kailangan ko i-sacrifice 'yung relationship namin para sa family ko at sa career ko. Pero siya, sigurado sa 'kin eh," masayang balik-tanaw ni Maja.

"Sinabi niya 'yon kay mama, na if may pera lang siya, if kaya niya lang ako buhayin, papatigilin na niya ako mag-artista," ayon pa sa aktres. —FRJ, GMA Integrated News