Sa latest podcast episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel,” tinanong ang guwapito at fast-rising Sparkle heartthrob na si Radson Flores kung single ba siya ngayon.

“Yes, single po,” natatawang tugon ng binata sa host na si Pia Arcangel.

“Hindi ko alam kung ‘yung yes mo ay yes single, or yes happily, or yes happily single?” biro ni Pia.

Natatawang sinabi naman ni Radson, na gumaganap bilang si Mark Gordon sa “Voltes V: Legacy” na,  “Kaya nga hindi ko na po sinagot, [kung] happy ba ako na single ako."

Ayon kay Radson, hindi sa lovelife nakatuon ang kaniyang atensyon ngayon.

"Right now ang fino-focus ko lang po is ‘yung bonding ko po with my family, and then second ko po ‘yung career, ‘yun po talaga ako nagbibigay talaga ng effort na grabe. Kasi minsan lang po, minsan lang talaga ‘yung ganito na opportunity and masaya po kasi talaga eh,” paliwanag niya.

Inilahad naman ni Radson ang kaniyang pananaw tungkol sa love life.

“Tatrabahuhin mo naman talaga, mahirap. Pero kaya. Malalang-malalang patience,” saad ng binata. --FRJ, GMA Integrated News