Pinaghahandaan umano ni Yasser Marta at intimate scene kay Claudine Barretto sa upcoming Kapuso series na si “Lovers/Liars.”  Habang si Shaira Diaz, inihayag ang gustong gawin sa kaniya si Claudine.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabi ni Yasser na hindi niya naiwasang ma-starstruck nang unang makita niya si Claudine.

“Una ko siyang naka-eksena na-starstruck talaga ako eh. Pero hindi niya ipaparamdam sa'yo na isa siyang Claudine Barretto,” saad ng Sparkle actor.

Makaka-love triangle nina Yasser at Claudine sa serye ang Kapuso Morning Sunshine na si Shaira, na may gusto gawin sa kaniya ang nagbabalik-Kapuso na si Claudine.

“Gusto kong masampal ni Ms. Claudine," natatawang sabi ni Shaira. "Kasi usually sa mga project na nakukuha ko, ako ‘yung nananampal.”

Kasama rin sa TV series sina  Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez, at Lianne Valentin.

Gagampanan ni Claudine ang karakter ng isang corporate woman na mai-in love sa lalaking mas bata sa kaniya.

Mapapanoo ang “Lovers/Liars” na collaboration project ng GMA Network at Regal Entertainment simula sa Lunes sa GMA Telebabad. —FRJ, GMA Integrated News