Patay ang isang guro matapos siyang barilin sa tapat ng kaniyang bahay Santa Maria, Bulacan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na makalipas ang 12 a.m. ng Huwebes nang nakarinig ang kapatid ng guro ng malakas na putok.

Pagkalabas niya ng bahay, nakita na lamang niya na duguan na ang kaniyang kapatid.

Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang pamilya ng biktima, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.—Jamil Santos/FRJ GMA News