Sinimulan na ni Juan Karlos ang pangangaroling ngayon Pasko sa kaniyang fans at una niyang sinorpresa ang isang lola.

Una nang inanunsyo ng mang-aawit sa Facebook ang kaniyang gagawing pangangaroling sa mga bahay ng kaniyang fans na tutugtugin niya ang bago niyang kanta na “Maligayang Pasko.”

Sa kaniyang TikTok video, unang binisita ni JK ang kaniyang lolang fan na si Mama Luming.

Agad na niyakap ni Mama Luming ang kaniyang idolo at sinabihan nang, “Ang aking bunsong anak!”

Dagdag pa niya, “Mayroon ka palang ugali...maganda ang ugali mo.”

Matapos kantahan ni JK si Mama Luming, sinabi ng lola sa mang-aawit na, “Ngayon lang ako nakakita ng ganire kagandang lalaki.”

 

@juankarlow

Maligayang Pasko Mama Luming!!! ??????

? Maligayang Pasko - juan karlos

 

Ang “Maligayang Pasko” ang unang Christmas song ni Juan Karlos.

Samantala, ang top hit ni JK na “ERE” ay no. 2 sa Spotify's Global Viral Songs, na unang Pinoy song na nakapasok sa charts.—FRJ, GMA Integrated News