Nagkakaisa ang Hollywood stars na sina Winston Duke at Hannah Waddingham, na kasama sa pelikulang "The Fall Guy," na mahusay kumanta ang mga Pinoy lalo na sa karaoke.

Sa panayam ni Lyn Ching na ipinakita sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, inihayag ni Winston na gusto niya ang Pilipinas na kaniyang binisita noong nakaraang taon lang.

"Oh, I love the Philippines! I was just in the Philippines last year!" anang aktor. "Spent some time in Manila, in Boracay, in Siargao as well. It was great. I learned all about the kilikili power."

Dahil may eksena na karaoke sa kanilang pelikula, tinanong ni Lyn ang dalawa kung ano ang paborito nilang kantahin.

"I avoid it like the plague," natatawang sabi ni Hannah.

"When you are a professional singer, you feel like a bit of a ham," patuloy niya.

Nang banggitin ni Lyn na gusto ng mga Pinoy ang magagandang boses, sabi ni Winston, "They're the best singers on the planet! They're the kings and queens of karaoke."

Na sinang-ayunan naman ni Hannah, "They are."

Ang "The Fall Guy" is istorya tungkol sa stuntman na pinagbibidahan ni Ryan Gosling, kasama rin si Emily Blunt.

Ginawa ang pelikula sa Sydney, Australia, sa direksyon ni David Leitch. Mapapanood ito sa mga sinehan simula sa May 1. —FRJ, GMA Integrated News